“And the prince and the princess lived happily ever after…” pagtatapos ni Katrina sa kwento nya. Isinarado nya ang aklat na hawak at ibinalik sa bookshelf na kinalalagyan.
“Tita, more stories please. Di pa naman ako inaantok eh.” pagmamakaawa ni Fefe, ang paborito nyang pamangkin, at nag-beautiful eyes pa.
“Sorry kiddo. But my prince is waiting for me. Konti na lang at I’ll be living happily with him.”
“Uy si tita, lumalandi na.” Tukso ni Fefe.
Nagulat si Katrina sa narinig mula sa pamangkin nya. “Anong lumalandi na?! Saan mo naman natututunan ang mga salitang tulad niyan? Ke-bata-bata mo pa, Fefe. Baka mauna ka pang mag-asawa sakin, ha? ”
Natatawa na lang si Fefe. “Basta tita, tell me another story bukas ha?”
“Oo na. Sige na. Labas ka na muna, maghanda lang ako. Tsupi. Tsupi.”
“Okay tita. Good night na rin. Bye.” At tuluyan nang naiwang mag-isa si Katrina sa kwarto nya. Nagpalit ng damit, naglagay ng konting make-up. Ilang minuto pagkatapos nyang mag-ayos, tumawag na ang maid nila.
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”
“Okay, sige. Susunod na lang ako.”
Tulad ng inaasahan, dumating na nga ang prince charming nya. Si Angelo. Gwapo pero walang ngiti sa kanyang mga labi. Ngunit hindi na sya nagtataka, dahil lagi naman itong seryoso. Kapag nagpatawa si Angelo, nangako si Katrina na magpapamisa sya.
Pagkakita ni Angelo sa kanya, sabay itong tumayo at lumapit sa kanya, upang kunin ang kanyang mga kamay.
“Tara.” Pagyayaya ni Angelo kay Katrina.
Dumeretso na silang dalawa sa kotse. “San mo gustong pumunta?” tanung ni Angelo
“Ewan ko. Ikaw na ang bahala. Kahit nga dito lang eh okay na ako. Basta magkasama tayo.” Sagot ni Katrina.
“Okay. Sige.” Walang kaemosyong-emosyong sagot ni Angelo. At tuluyan na nilang nilisan ang lugar ni Katrina.
Unang dinaanan nila ang isang pamilyar na park. Yung paborito nya. Dun sila unang nagkita ni Angelo habang ipinapasyal nya si Katrina. Tahimik pa rin silang dalawa. Bababa sana si Katrina para malibot ang lugar. Hindi naman madilim ang lugar. Punung-puno kasi ng ilaw. Ang ganda. Subalit pinigilan sya ni Angelo, mahigpit sya nitong hinwakan at umiling lang. Hindi naman sya nagreklamo. Nagtataka sya sa ipinapakita nito ngayon, pero hindi muna sya nagkomento. Ayaw nyang magsalita ng tapos.
Pagka-alis nila ng park, pumunta naman sila sa isang hospital. Ang pangalawang beses nilang pagkikita. Dito kasi sya naka-duty. Noong student nurse pa sya. Kasama ni Angelo ang isang kaibigan noon.
Ang sweet ng mokong. Anu kayang plano nito? Hmmm.sa isip-isip ni Katrina. Ang sarap talagang balikan ng nakaraan no?
Sunod nilang tinungo ang simbahan, pangatlong beses nilang pagkikita. Dun na sila unang nagkausap. Nagkakwentuhan. Nagkuhanan ng cellphone numbers. At nagsilbing hudyat ng pagmamahalan nila.
Hindi na nya kailangang mag-isip ng matagal para mahulaan ang sunod nilang pupuntahan. Isang restaurant. Unang date nila. Pangalawa. Pangatlo. At sunud-sunod pa. Pinakapaborito nyang lugar ito. At dun nga sya dinala ni Angelo.
Inalalayan sya nito sa pagbaba nya ng sasakyan. At tinungo nila ang paboritong spot nya doon, na may nakalagay na maliit na karatulang “reserved”. For sure e para sa kanila yun.
Inihanda nito ang pag-upo nya. Nakakatuwang isiping hanggang ngayon eh may mga gentlemen pa rin (tulad ng author).
“Order ka na.” utos ni Angelo sa kanya.
“May problema ba?” sagot nya, sa halip na umorder sya.
“Wa-wala naman. Order ka na.”
“Usual order ako.”
“Waiter!”
Habang naghihintay. . .
“Magpaliwanag ka nga. Anong ibig sabihin nito?” matigas na tanung ni Katrina.
“Hindi ko alam.”
“Anong hindi ko alam?”
“Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kahit ako eh gulung-gulo na rin.” Sagot ni Angelo.
“Mahal mo pa ba ako?”
Matagal bago samagot si Angelo. “Oo.”
“Anong gusto mong mangyari satin?” kinakabahang tanung ni Katrina. Ayaw man nyang marinig, pero sigurado syang yung ang lalabas sa mga bibig ni Angelo.
“Makikipagbreak sana ako sayo.”
“Yun ba ang gusto mo.” Tanung ni Katrina. “O, sige.”
“So, aalis na ba ako? Salamat sa pag-aaya.”
“Kumain ka na muna.”
“Okay.” Napaka-kaswal nya. Ayaw nyang ipakitang mahina sya.
Pagkatapos nilang kumain…
“Sige. Ihahatid na kita.” Pag-aaya ni Angelo.
“Sigurado ka na ba?”
“Saan?”
“Sabi mo mahal mo pa in ako. Pero nakikipag-break ka. Ayos ka rin, tol.”
Tahimik lang si Angelo.
“Kapag iniwan mo ako ngayon, wala ka ng babalikan.” Pagbabanta ni Katrina.
“I don’t know. Basta ang alam ko, love never surrenders. But people do. Please always remember that. And me, if you can.”
“Okay. Gusto ko nang umuwi.” Sagot nya. Nais sana nyang idugtong, para hindi na ako nahihirapang pigilin ang sakit at luha.
Pagdating niya sa bahay, unang nakita nya si Fefe.
“Tita, hindi ako makatulog. Kwentuhan mo let ako. Fairy tale let.”
“Gabi na masyado. Tsaka, pagod na ako.”
“Please tita.”
“WALA NG KWENTO! WALA NG FAIRY TALE!” kahit si Katrina ay nagulat sa pagtataas nya ng boses sa pamangkin. At napaluha sya. “Sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses.”
Sa halip na umalis ay nanatili lamang nakatayo si Fefe at nagtanung, “May problema po ba tita?”
Napaluha lalo si Katrina.
“Tahan na po kayo tita.” Napaluha na rin si Fefe.
“Eto ang tandaan mo. Hindi ako bida sa isang fairy tale… Para maging masaya habang buhay..”
At nagyakap ang mag-tita.