Nobody says you must laugh, but a sense of humor can help you overlook the unattractive, tolerate the unpleasant, cope with the unexpected, and smile through the day
Ann Landers
And so forget your problems for a while and read the following jokes I procured from my friends, and laugh with me. At least, for a while.
- “Ano ba yang Twilight na yan! Napaka-unrealistic.. Bampira? Hello!?? Meron ba non?”
- Harry Potter
- Nalaman ko na hindi water vapor ang usok na lumalabas sa takore kapag kumukulo ang tubig. Ang mga ito’y walang iba kundi mga kaluluwa ng namatay na bacteria.
- MAG-AMO, NAG-UUSAP TUNGKOL SA KALAGAYAN NI JUNIOR…
MAID: Ati, kelangan dawipa-EXTRAY ang ulo ni junior.?
AMO : Gaga! Tanga! Bobo! Anong EXTRAY? Wala ka talagang pinag-aralan no?!!?
MAID: Ano po ba ang tama ati?
AMO : CT SKULL
- TIP FOR A LONG LIFE…
Huwag mo isusulat ang name mo sa condolence book kapag dumadalaw sa patay…
Kasi pagkatapos ng libing, nagkakaroon ng raffle kung sinong susunod. LOL
- NANAY, PINAGSASABIHAN ANG ANAK…
NANAY: Anak, hindi ka ba nahihiya niyan? Tawag ako nang tawag sayo para utusan ka. Tapos ikaw, text ka lang ng text habang kilig na kilig ka diyan sa ka-text mo?!
ANAK : Inay, hindi ba mas nakakahiya kung ako ang mag-uutos sa inyo at ikaw ang nagtetext dito habang kinikilig?
NANAY: Ay, sorry naman anak.
- ANAK, NAGHAHANAP NG PAGKAIN…
ANAK : Inay, ano po ang ulam natin?
NANAY: Tingnan mo na lang sa refrigerator natin anak.
ANAK : Eh wala naman po tayo ref, di ba?
NANAY: o, e di wala tayong ulam, anak. Konting utak naman.
- DONYA: Bilang bagong katulong, gusto kong malaman mo na alas-sais impunto ang simula ng almusal dito.
MAID : Opo. Kung sakali man pong tulog pa po ako, mauna na po kayo kumain.
- TATAY : Asensado na talaga ang anak natin sa US. Eto, nagpadala ng picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
NANAY : “Inay, nagpapasalamat ako. Kasi, kung hindi dahil sa kotse na to, natumba na ako sa sobrang gutom.”
- GIRL NA MAY BALAT NG MUNGGO SA NGIPIN…
BF: Love, alam ko kung ano ang ulam nyo kanina.
GF: Talaga?
Sige, ano?
BF: Tingin ko, munggo.
GF: Weeeh. Mali!
Kahapon pa kaya yun! Hahahaha
- ISANG NURSING STUDENT ANG NANGUNGULANGOT SA MAY JEEP…
LOLA: Iha, ano ang kinukuha mo?
GIRL : Nursing po, lola.
LOLA: Ahh. Akala ko kulangot..