PART 1.
Noong unang panahon, wala pang liwanag at puwos kadiliman lamang. Tanging si Bathala ang nananahan sa buong kalawakan at sansinukuban. Isang araw ay naaburido sya. Wala syang makausap. Wala syang makita.
“Let there be light!” sabi nya. And so there was light. Isa-isang nagsindihan ang mga kandilang lumulutang. Medyo may kadiliman pa rin.
“More lights!” Nag-ilawan lahat ng light bulbs, fluorescent lights at lamp shades. “May liwanag ang buhay.” Nasambit ni Bathala. “Hay. Mapapamahal siguro ang ibabayad ko sa Meralco. Tsk. kailangan ko ng kahati sa pagbabayad. Pero, paano kaya?” Sandali syang nag-isip at nagpamulsa. “Kung maglalalang ako, saan sila titira?” Sa isang kumpas ng kamay ni Bathala, nawalan ng kuryente. Nawala ang mga ilaw, ang mga kandila. Pero maliwanag pa rin. Natagpuan nya ang sariling lumulutang sa kalawakan. Nakita nya ang mga nagkikislapang mga bituin kabilang na ang Haring Araw. Sa paligid ng Araw ay may siyam na planetang umiikot. Bawat planeta ay may kanya-kanyang angking alindog. Hindi sya makapili. kaya nag-mini-mini-mayni-mo si Bathala at sa luntiang Mundo napatapat ang dulo ng hintutro niya. Noon nya naisipan na lumikha ng iba’t-ibang uri ng mga bagay na may buhay. Nagkaroon ng mga puno at halaman. Iba’t-ibang klase ng mga hayop. mayroong pang-lupa, pandagat at panghimpapawid.
Nagiliw si Bathala sa kanyang nakita, sa kanyang masterpiece. Hindi nya inakalang makakagawa sya ng ganoon sa tanang buhay nya. Naluluha sya.
“Tama na nga ang dramang ito.” Bumalik na si Bathala sa kanyang trono sa Kaluwalhatian. Mula sa isang plangganang puno ng tubig, pinanood nya ang buong mundo. Napakatiwasay sa mundong ibabaw. Ang mga ibon ay nag-aawitan.
“Oh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh!
Caught in a bad romance
Oh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh-oooh-oh-oh-oh!
Caught in a bad romance
Rah-rah-ah-ah-ah-ah!
Roma-roma-mamaa!
Ga-ga-ooh-la-la!
Want your bad romance
Rah-rah-ah-ah-ah-ah!
Roma-roma-mamaa!
Ga-ga-ooh-la-la!
Want your bad romance”
Sabay-sabay na kanta ng mga ibong pipit, kalaw at agila. Pakiramdam ni Bathala ay magaling na sya sa robotics. Kasabay nyang napaindak ang mga puno at halaman. Masyado atang napagod si Bathala. Nag-flanax muna sya at tuluyan ng nagpahinga. Dumaan ang ilang linggo na pawang katahimikan at katiwasayan ang nangyayari. Natutuwa sya na walang kaguluhang nagaganap.
“I now declare myself the King of the Forest.” sabi ni Leon. Kitang-kita ang kakisigan nito at katapangan. Pati na rin ang kayabangan.
O, hindi! Hindi to maaari! pag-iisip ni Bathala.
“May tumututol ba sa deklarasyong iyon ni haring Leon?” pasigaw na tanong ni Pusa, ang nagboluntaryong maging sekretarya ni Leon. Walang sumagot sa tanong. Halata sa mga mukha ng mga hayop sa gubat ang takot. Subalit ang iba ay walang pakialam. Nagkamot lang sa ulo si Unggoy. Habang palihim naman na sinusundot-sundot ni Elepante ang loob ng kanyang ilong. Pasulyap-sulyap sa paligid, natatakot na may nagmamasid sa kanya. Bigla na lang nagulat ang lahat. Pati si Elepante na nasa climax na ng ginagawa nya. Konti na lang eh, masusungkit na nya ang tagumpay. Subalit natigil dahil sa sigaw ng isang boses sa may di kalayuan.
“Ako.” Nanggaling ang boses na iyon sa may kaliwang dako ng entablado. Lumingon sa direksyon na yun sina haring Leon at Pusa. Napalingon na rin ang iba pang hayop. Lahat ay nagulantang ng makita si Baboy.
“Hindi ako yun!” Tanggi agad ni Baboy.
“Ako yun.” Hinanap nila ang boses. Pagtingin nila sa may paanan ni Baboy, andun si Langgam. Kumakaway-kaway pa para mapansin kaagad. Labis na nagulat ang lahat sa katapangang ipinamalas ni Langgam.
“Bakit ka tumututol? Lalaban ka ba?” Pagalit na tanong ni Haring Leon kay Langgam.
Nakatayo lang si Langgam, taas-noo. “Hindi. Because I won’t stoop down to your level. Gusto ko lang umeksena. No?!” para syang si Pres. Gloria Arroyo nung banggitin nya yung “no”. Susugod na sana si Haring Leon, na ikinagulat ng lahat. Mabuti na lamang at napigilan sya ni Pusa. nakahinga ng maluwag ang lahat sa nangyari. Pati si Elepante na iba ang dahilan ng pagbuntong-hininga. Inihagis nya ang mumunting bagay na nagmula sa ilong nya at inihagis pataas, na nahulog sa mga buhok ni Aso na naging dahilan ng pangangati nito. Inakala naman ni Unggoy na garapata yun kaya nagmadali syang kutuhan si Aso. Nang nakita nya na kulangot pala, naihagis rin nya iyon at nagpasa-pasa na sa lahat ng hayop. Hanggang sa makarating sa bibig ni Leon.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh..” Galit na sigaw ni Leon. Dahil sa takot, nagmadaling magtakbuhan ang mga hayop sa iba’t-ibang direksyon.
————
itutuloy
No comments:
Post a Comment