Powered By Blogger

Tuesday, February 2, 2010

Patay na Patay Sa’yo : A Valentine Special

“Surprise!” bungad na salita agad ni Cherry pagkabukas pa lang nya sa pintuan ng bahay nila ni Enzo. Mukhang sya lang ang na-surprise. Isang ngiti ang permanente ng nakaplaster sa mukha nya. Kahit nga umiiyak sya, nakangiti pa rin sya. Akala mo ay laging nang-aasar. Sarap batukan eh. Kung hindi lang makinis ang kutis nya dahil sa belo at maganda ang mukha nya.

“Enzo! Enzo! Hon? Patago-tago ka pa jan ha? Kala mo hindi kita makikita?He-he-he.” Maganda rin ang boses nya. Matinis, pero hindi nakakairita. Malakas, pero hindi nakakabingi. Bawat salita nya ay parang nang-aakit. Isa-isa nyang binuksan bawat pintuan ng bawat kwarto sa malawak nilang bahay ng asawa nyang si Enzo. Feeling teenager kung magtaguan. Ang hitad. Haha.

Alam ni Cherry na nasa kwarto nila sa Enzo. Kaya lang sya nagpakahirap na buksan bawat pinto ay para makaramdam ng konting thrill. Nilibang lang nya ang kanyang sarili. Pagpasok nya sa kwarto, umalingasaw ang isang masangsang na amoy. Pero hindi nya inalintana iyon. Ang turo sa kanya ng guro nya noong elementary ay singhutin na lang daw ang amoy para mawala. Kaya ngayon, singhot lang sya nang singhot.

Mula sa pagkakahawak sa cake na binili nya sa tindhan bago sya bumalik ng bahay, binitiwan nya iyon at ipinatong sa may mesita malapit sa drawer nilang mag-asawa. Dumerecho na sya sa may kama at noon di’y yumakap na kay Enzo. Hindi na nagreact si Enzo.

“Hon. Happy Valentine’s Day. Happy Anniversary.” Bati ni Cherry saasawa. Subalit hindi pa rin sumasagot si Enzo. “Anu ba yan hon? Tulog ka pa rin hanggang ngayon? Aba, eh pitong araw ka ng tulog ah.” Biglang na lang tumawa si Cherry. “Ha-ha-ha.” Sumayaw sya, biglang kumanta. At ito’y natuloy sa isang iyak. Parang baliw ba? Mali ka. Dahil baliw talaga sya. Pitong araw na ang nakakalipas mula ng mamatay si Enzo. At sa loob ng pitong araw na yun, nagluksa si Cherry. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nya matanggap na wala na talaga ang kanyang maybahay. Umiiyak pa rin sya hanggang ngayon habang hawak ang mga kamay ni Enzo, walang pakialam sa kung maramdaman man nya ang lamig na dulot ng wala nang buhay na katawan ng asawa.

Baliw nga sigurong maituturing, ngunit sa puso, hindi sya marunong makalimot. Sa kabila ng kakulangan sa pag-iisip, naalala pa rin nyang ngayon ay ikalabing-apat na araw ng Pebrero. Araw ng mga Puso. Araw ng kasal nila. Ang kanilang anibersaryo.

Unti-unti nyang pinalitan ng damit si Enzo. Medyo nahirapan sya sa tigas at laki ng katawan nito. “Saan mo nga pala gusto kumain? Halika na sa labas.” Pagyayaya nya kay Enzo habang kinakalikad ito palabas ng bahay.

———————————————————————————————-

Ang totoong pag-ibig ay hindi namamatay.

No comments:

Post a Comment