Walong taon ng magakasintahan sina Sarah at Patrick. Sa loob ng walong taong pagsasama, nakakatuwang hindi pumasok sa isipan nila ang magtalik. Ganun kahalaga at kasagrado para sa kanilang dalawa ang sex. Kahit minsan nagagalit na si Patrick dahil dito, hindi iyon nagging dahilan para maghiwalay silang dalawa. Nagtatalo sila, pero pagakatapos ng ilang minute, lambingan na ulet. Normal lang naman iyon sa isang relasyon. Mabilis talaga silang magkasundo. Siguro nga, walang bagay ang magiging dahilan para matibag pa silang dalawa. Yun ang akala nila.
Two years ago, tinamaan ng sakit si Sarah. At yun ang dahilan ng ikinabulag nya. Noong una eh hindi nila alam kung paanong nangyari yun. Pero matapos ang ilang linggo, napag-alaman nila na namana lamang ni Sarah ang sakit ang sakit na yon sa kanyang lola. Hindi nagtagal, sumunod na rin ang pagkabulag ni Sarah. Wala ng lunas ito. Masyadong sensitibo ang sakit na to para payagan ng doctor na operahan sya at palitan ang nasirang mata.
Ang unti-unting pagkabulag ni Sarah ang nagging dahilan ng away sa pagitan ni Patrick at ng mga magulang nya. Ninais nilang paghiwalayin silang dalawa sa kadahilanang wala raw syang mapapala kay Sarah.
“Anung mapapala mo sa bulag? Magiging pabigat lamang sya sayo. Hiwalayan mo na lang kaya. Hindi pa naman sya kasal eh.” Yan ang mga salitang binitawan ng magulang ni Patrick sa kanya isang gabi.
“Ngayon ko pa ba sya iiwan? Ngayon kung kelan kailangang-kailangan nya ako? Mahal na mahal ko sya. Hindi ko magawa ang pinagagawa nyo sakin?” ang tanging naisagot ni Patrick sa kanyang magulang.
“You are very stubborn. Because of that, I am going to disinherit you. At kapag walang-wala ka na, anung ipapakain mo? Pagmamahal? Sana lang mabusog kayong dalawa at ang magiging anak nyo. Bahala ka sa buhay mo.” Hindi na tinapos ni Patrick ang sinasabi ng kanyang ama at tuluyan ng lumisan. Tatlong taon na ngayon mula ng huli nyang makita ang mga magulang nya. Sa sariling sikap, napilit nyang maging pulis. Hindi na nya pinaalam sa una kay Sarah ang nangyaring ito, pero hindi rin nagtagal ay pinagtapat na rin nya kay Sarah ang totoo.
Dating nagtatrabaho sa call center si Sarah. Napilitan syang lisanin ang trabaho dahil sa pagkasira ng paningin nya. Subalit hindi naging hadlang sa kanya para ipagpatuloy ang iba nyang nakagawiang gawain. Tuwing umaga ng Linggo, naglalaan sya ng isang oras sa simbahan para makinig sa sermon ng pari. Sa umpisa, lagi syang sinasamahan ni Patrick sa lakad nyang to.
“Sarah, napapagod na rin ako minsan na maghatid sayo araw-araw sa plaza tsaka sa pagsama sayo sa simbahan tuwing Linggo. Siguro naman ay kaya mo ng mag-isa sa susunod.” Sabi ni Patrick sa kanya.
“Siguro naman ay kaya ko na. Salamat nga pala sa tulong mo sa mga nagdaang buwan. I love you, Patrick.” Sagot ni Sarah. Pinilit nyang itago ang sakit na nararamdaman.
Hindi na umimik si Patrick at umalis papunta sa trabaho. At tuluyan nang tumulo ang luha nya. Hindi na naitago pa ang sakit na nararamdaman.
Kinabukasan, nanibago si Sarah sa pagbyahe sa umaga ng mag-isa. Dumaan ang ilang linggo at nakasanayan na rin nya yun.
Isang umaga pagkababa nya ng MRT, narinig nya ang isang ale sa tabi. Hindi nya Makita yung babae kasi nga bulag sya, kaya hindi nya alam kung sya ang kausap nito.
“Mapalad ka.” Sambit nung ale.
“Ako po ba ang kausap nyo?” tanung nya. “Panu ako magiging mapalad eh bulag ako?”
Eto ang sagot ng ale,”Oo mapalad ka. Kahit bulag ka pa. Tuwing umaga may isang lalaki ng nakabihis ng uniporme ng mga pulis na nag-aabang sayo pagkababa mo ng jeep. Binabantayan ka tuwing tatawid ka ng kalsada. Inaalalayan ka. Sinisigurong ligtas ka bago nya lisanin ang lugar na to tuwing umaga. At ganun rin kapag hapon. Mapalad ka.”
Sa narinig, hindi naiwasan ni Sarah ang pagpalakpak ng tenga nya at pagdaloy ng mga luha sa kanyang matatambok na pisngi.
No comments:
Post a Comment