Powered By Blogger

Sunday, February 28, 2010

Ang Pakikipagsapalaran ni Bernardo Carpio, Jr. (2)

PART 2.

Hindi na nahabol ng paningin ni Bathala ang pagtakbo ng mga hayop sa lupa. Sa kaitaasan naman ay nagpapagalingan sa pagkanta ang halos lahat ng mga ibon. Kasalukuyan nilang ginaganap ang isang Amateur Singing Contest. Sayang at hindi naabutan ni Bathala ang ibang mga kandidato at kandidata. Sa ngayon, ang kumakanta ay si Uwak…

“Listen, I am alone at a crossroads
I’m not at home in my own home
And I’ve tried and tried to say what’s on mind
You should have known

Oh, now I’m done believing you
You don’t know what I’m feeling
I’m more than what you made of me
I followed the voice you gave to me
But now I’ve gotta find my own

I don’t know where I belong
But I’ll be moving on
If you don’t, if you won’t

Listen to the song here in my heart
A melody I start but I will complete

Oh, now I’m done believing you
You don’t know what I’m feeling
I’m more than what you made of me
I followed the voice you think you gave to me

But now I’ve gotta find my own, my own”

Umani ng palakpakan si Uwak. Kahit si Bathala na nasa Kaluwalhatian ay hindi napigilan ang pagpalakpak sa paghanga niya kay Uwak.

“Good afternoon Uwak.” Bati sa kanya ni Lawin, isa sa mga hurado sa Singing contest. “How are you feeling today?”

“Thank you. I’m very confident. But a little bit nervous.”

“What is the role of your family in joining this contest?” tanong ulet ni Lawin.

“My family. Uhm.oh. Uh-huh. My family is…”

“Ok na yun. Let’s proceed to my comments.” Patuloy ni Lawin.

“Maganda ang boses mo. Natumbok mo yung high notes. Maganda ang transition. Dahil jan, may nagtext!” Komento ni Lawin kay Uwak.

Muli na namang nagpalkpakan ang mga ibon. At napapangiti ng bahadya si Uwak.

“Oo maganda ang boses mo. Pero hindi ka nababagay dito. Mas bagay ka sa aming grupo. Dahil boses palaka, ang boses mo. – Echoserang Kokak.” Basa ni Lawin sa text message.

Nagtawanan ang ibang ibon. Nagalit naman ang ibang fans ni Uwak dahil sa pang-aasar ni Echoserang Kokak. Subalit ang mga ito ay kay Lawin nagalit. May ibang namato ng hinog na kamatis. Yung iba naman ay sapatos ang ginamit na pamalibang. At tuluyan na ring nagkagulo sa himpapawid.

Wala nang magawa si Bathala sa kaguluhang nagaganap. Pagtingin nya sa kanyang Planggana ng Mundo, nakita rin nyang nagkakagulo na sa may karagatan at ilog.

Tinakluban muna ni Bathala ang kanyang Planggana. Ayaw muna nyang makita ang kaguluhan. Gusto nyang mag-isip ng solusyon sa kanyang napakalaking problema.

Bumalik sya sa kanyang trono. At sa isang sipol nya ay dumating ang isang Sarimanok. Ang pangalan nya ay Magaul. Kaakit-akit pagmasdan ang ganda ng ibon ito. Makulay. Bawat pakpak nito ay may disenyong scroll at dahon. Maganda talaga. Pawang Ibong Adarna sa ganda.

“Bakit nyo po ako ipinatawag Bathala?” tanong ni Magaul. Medyo kinakabahan sya.

“Tulad ng pagkakaalam ng lahat, isa kang ibon na nagdadala ng swerte. Sa ngayon, babaguhin ko ang function mo bilang ibon. Magiging mensahero kita sa loob lamang ng kalhating araw.” Sagot ni Bathala.

“Ano pong ibig nyong sabihin?” tanong ulet ni Magaul.

“Ikalat mo sa buong populasyon ng mga hayop na may pagbabagong magaganap sa buong mundo. Parusa sa kaguluhang ginawa nila kanina. Sabihin mo na kailangan nilang lisanin ang mundo kung hindi ay mamamatay sila. Pumunta silang Pluto kung kinakailangan. Dahil kapag isinagawa ko na ang paghuhukom bukas ng umaga, may malaking pagbabago talaga.”

“Yun lang po ba Bathala?” tanong ni Magaul.

“Yun lamang. Humayo ka na.”

“Masusunod po.”

At noon din ay ikinalat ni Magaul ang masamang balita mula kay Bathala. Maraming hindi makapaniwala. Maraming nagtataka. Ang ibang hayop ay nagsiiyakan. Nagsisisi sa kasalanang ginawa nila.

Kinabukasan… sa Planggana ng Mundo ni Bathala.

“Maghanda kayo sa paghuhukom dahil may pasasabugin ako ngayon.” Sambit ni Bathala. “Lisanin nyo na ang mundong ito kung gusto nyo pang mabuhay.” Pagpapatuloy nya. “Pagkabilang ko ng sampo, nakatago na kayo. Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pito.. Walo.. Siyam..”

“Kuya, wag po.” Ang taning nasambit na lamang ng mga hayop.

“Sampu!” At noon din ay ay sumabog na ang mga bombang inihanda ni Bathala noong nakaraang gabi. Inuna na ang pagpapasabog sa Hiroshima at Nagasaki ng Atomic Bomb. Sa ibang lugar naman ay Hydrogen Bomb. At yung iba naman ay okay na ang dinamita. Nagmistulang Fireworks Display ang nangyari sa mundo. Ang saya.

Sa iba’t-ibang parte ng mundo nagpunta ang mga hayop. Kung saan sila naabutan ng mga pasabog, ay doon sila namatay. (Syempre naman.) At doon rin sumilang ang mga bansa sa mundo.

Subalit hindi tayo dun magfo-focus. Ilagay natin ang ating atensyon sa bansang ito. Ang lugar ng mga BABOY at BUWAYA. Noong una pa lamang pala ay mga buwaya na ang nakatira sa Pilipinas. Hanggang ngayon, Buwaya pa rin ang mga namumuno dito. :D

—–

itutuloy…

No comments:

Post a Comment