“Elmo! I want Elmo!” panaghoy ni Gelo. Kanina pa sya umiiyak. Ginawa na lahat ni Mrs. Lucinda para patahanin ang kanyang anak.
“Gelo, dear. This is Elmo. Look. It’s beautiful.” Pagpupumilit ni Mrs. Lucinda sa manikang hawak nya.
“Mom, since when did Elmo become as black as a negro? Elmo is not Dora. Definitely, he is not!” Lalong lumakas ang iyak ni Gelo. Napapangiti na lang ang mga salesladies at iba pang customers sa boutique na yun.
Unti-unting bumaba si Mrs. Lucinda para mapantayan ang height ng 7-year old son nya. “Pag hindi ka pa tumigil sa pag-iyak na bata ka, malilintikan ka talaga sakin.” Bulong ni Mrs. Lucinda sa anak nya, may halong pagbabanta.
“Elmo! Elmo!” mahina na lang ang pag-iyak niya. “I don’t want anything but Elmo.” Hindi na pinansin ni Mrs. Lucinda ang panaghoy ni Gelo. Bagkus ay nagpaka-busy sya sa paghahanap ng damit na isusuot sa pag-mamajong sa bahay nila mamaya. Sosyal! Kaya hindi na nya napansin ang pag-alis ni Gelo sa boutique na yon.
Mataman pa ring namimili ng damit si Mrs. Lucinda. Hindi na napansin ang pagtahimik ni Gelo. Pagkatapos makapag-decide ng bibilhing damit, tinawag nya si Gelo. Nang hindi marinig ang pagsagot na anak, inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng boutique. Pero wala ang anak nya. Kinabahan na sya. Tinungo nya ang exit at tatanungin sana ang guard kung nakita nya ang abak nya. Pero wala ang guard. Isang malambing na Putik! na lang ang nasambit nya.
Tuluyan na syang lumabas ng boutique. At may narinig sya. Sa may di kalayuan. Isang matinding busina ng kotse. At sigaw ni Gelo.
“Oh my God!” matinding bulalas ni Mrs. Lucinda. Tinungo nya ang pinanggalingan ng banggaan. isang malungkot at medyo galit na lalaki ang lumapit sa kanya.
“Kayo po ba ang ina ng bata?” tanong nung lalaki.
“Opo. Ako nga.” Nangingiyak-ngiyak na sagot ni Mrs. Lucinda. “Kamusta po ang anak ko?” medyo nanghihina na rin sya. Nawawalan ng lakas ng loob.
“Wala po kayong kwentang ina! Alam nyo po ba kung gaano kahalaga ang mga anak para sa mga magulang? Wala kayong ipinagkaiba sa mga inang ipinapa-abort ang kanilang mga inosenteng anak. Ako. Kahit kailan, hindi nabiyayaan ng anak. Tanging yun lang ang hiniling ko sa Panginoon. Pero para syang binging hindi ako narinig. Pero, hindi naman ako galit sa kanya. Siguro nga, may iba syang plano para sa akin. Naiinggit ako sa inyo. Sobra. Kung pababayaan mo lang siguro ang anak mo, sana ipina-abort mo na lang din sya o di kaya’y ipinaampon. Sana, sa susunod, mas pahalagahan mo ang anak mo.” Litanya ng lalaki. Medyo inantok si Mrs. Lucinda sa sinabi nito. Pero aminado sya na tama naman ang lalaki. Kaya di na sya nakipagtalo. Mas binigyang-pansin nya ang huling sinabi nito: Sana, sa susunod, mas pahalagahan mo ang anak mo.
“Ang ibig sabihin po ba nito ay buhay pa ang anak ko?” magalang na tanong ni Mrs. Lucinda sa lalaki. Ang kanyang ngiti ay may halong ka-plastikan.
“Opo. Ayun sya oh.” Itinuro ng mama ang direksyon ni Gelo. Tuwang-tuwa sya na makitang buhay pa ang anak nya. This time, totoo talaga. Walang halong plastik. Hindi na sya nagpaalam pa at nagpasalamat sa lalaki. Pagtalikod ni Mrs. Lucinda ay binanggit nya ang mga katagang ito: Buhay pa pala ang anak ko. Sana sinabi kaagad nya. Ang dami-dami pang sinabing kung anu-ano lang. Tsk. Tsk. Echoserong tsismoso. Hmp.
Tuluyan na nyang nilapitan ang anak nya at niyakap ng mahigpit.
“Elmo. I’m glad you’re alive!”
“Mommy, are you angry with me?” tanong ni Gelo.
“Bakit naman Elmo, my dear?” sagot na patanong ni Mrs. Lucinda.
“Kasi po nasasakal na ako sa inyo.” Medyo naluluha-luha pang sagot ni Gelo.
“Ay sorry naman, anak.” Lumuwag na ng konti ang yakap nito sa kanya.
“Eh mommy, ampon nyo po ba ako?”
“Hala! Hindi no? Ano ka ba naman Elmo? Saan mo ba naman napulot yang isispin na iyan?”
“Eh kanina pa po kasi kayo Elmo ng Elmo eh. Gelo naman po ang name ko.”
Ay, oo nga pala. Sa isip na lang nabanggit ni Mrs. Lucinda. At ngumiti.
“Nga pala, sino ang nagligtas sa’yo?”
Itinuro ni Elmo ang direksyon ng lalaking nakausap kanina ni Mrs. Lucinda. Paglingon nya, andun pa rin ang lalaki. Pero tuluyan na ring tumalikod sa kanila.
“Ang echoserong tsismoso pala.” Mahinang sabi ni Mrs. Lucinda. Thank you, sambit ni Mrs. Lucinda sa isip nya. Bukal sa loob nya ang pasasalamat nya sa Echoserong Tsismosong yon. Utang nya sa kanya ang buhay ng anak nya. Hindi nya makakalimutan ang mga sinabi nito sa kanya kanina.
“May sinabi ka ba Mommy? Yung tsismoso ba yun? Ano po yun, Mommy?”
“May binanggit ba ako anak?”
“Meron po.”
“Sabi ko, bibili tayo ng maraming Elmo.”
At masayang-masaya si Gelo.
No comments:
Post a Comment