Powered By Blogger

Monday, February 8, 2010

Almost Lover






Love approaches us when we least expect it. Kung kailan ka hindi handa, saka umaatake. At kung kailan naman ready ka na, saka ka iniiwan.










CHAPTER 1. GENESIS: THE BEGINNING

“Truth or consequence?” pinapipili ni Rhoi si Natalie. Sa kanya kasi tumapat yung ulo ng mineral water na ginagamit nila sa pagpapaikot sa laro nila. Matamang pinagmamasdan ng hindi mabilang na mga mata si Natalie, inip na inip nang nag-iintay sa pipiliin nya.. Kinakabahan tuloy sya. Feeling nya eh nasa hot seat sya.

“Truth na lang siguro.” Sagot ni Natalie. Hindi pa rin sya sigurado kung tama ang nagging desisyon nya. Kunsabagay, alin man ang piliin nya, sigurado syang talo rin sya. Magugulo ang mga kaklase nya. Malalakas mantrip. Kaya alam nya na kahit consequence ang piliin nya, wala syang ligtas sa kalokohan ng mga ito.

“Woooooohooooo.” Sigawan ng klase. “Oh sige. Hmmm. Wala ako maisip na maitanong eh. Kaya si Jay na lang ang magtatanong sa’yo.” Narinig nyang sinabi ni Rhoi sa gitna ng kaingayan.

“Kinakabahan na ako. Ha-ha-ha. Kaya nga ba’t ayokong sumali dito eh. Tsk.” Nasambit na lang nya.

“Siguro naman eh alam mo na ang itatanong ko sa’yo?” banggit ni Jay na may halong ngiting waring nang-aasar. Pinaghandaan na nya ang magiging tanong ni Jay. Feeling kasi nya eh “sino ang crush mo sa klase” ang itatanong nya eh. Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami sa klase nila na crush nya si Edward. Kaya ok lang sa kanya. Crush lang naman eh. Ngayon, sya ang panalo.Pakiramdaman nya ay naisahan nya ang mga ito.

“Sino ang crush mo sa klase?” umpisang tanong ni Jay sa kanya. Napangiti si Natalie sa tanong. Inexpect na kasi nya eh. Hindi nya napansin kaagad na may kasunod pa pala ang tanong nyang ito. “bukod kay Edward?”

Nagulat si Natalie. Kaya lalo namang nagkahiyawan ang klase. Yung iba, hindi na magkandaugaga sa pagpapatahimik sa iba para marinig ang sagot nya.

“Sumagot ka kaagad. Kapag hindi ka nakasagot within 5 seconds, magspin ka ng bottle at ikikiss mo sa cheek ang kung sino mang matapatan nito. Hehehe.” Singit ni Jane.

“Exciting to. Ha-ha-ha.” Hindi na nalaman ni Natalie kung sino ang nagkomento non.

“One.” Umpisang bilang ng klase. Pressured na kaagad sya. “Two.” Ayaw nyang malaman nila kung sino talagang crush nya sa klase. Baka kasi yun ang maging dahilan ng pagkantiyaw sa kanya ng mga ito. Na maaaring maging mitsa ng pag-iwas sa kanya ng major crush nya. “Three.” Gusto nyang magsinungaling. Pero hindi naman nya magawa. “Four.” Patuloy pa rin ang pagbibilang ng klase. “Si Edward lang talaga.” Sa huli ay naisagot nya. Hindi tuloy sya makatingin ng diretso kay Edward. Mas nahihiya sya ngayon.

“Oops. Umabot pa sya sa bilang.” sambit ni Rhoi. Bumakas ang disappointment sa mukha ng bawat kaklase nya. Iimik na sana si Mike nang sumingit si Jane, “Pero hindi naman nya nasagot ang tanong ni Jay. Bukod nga kay Edward di ba? Ha-ha-ha.”

“Spin! Spin! Spin the bottle.” sigaw ni Juliette bago sumulyap ng palihim sa katabi na si Keith. Sinundan na rin ng klase ang sigaw nya.

“Okay sige.” Parang mas madali para kay Natalie ang mag-spin na ;ang at i-kiss ang sinuman sa mga kaklase nya kesa naman aminin sa mga ito ang totoo nyang nararamdaman. Ano ba naman at simpleng kiss lang naman yun sa cheek?! Wala naman siguro malisya di ba? Tiw! Tiw! Hinawakan na nya ang bote at tuluyan na nga nyang pinaikot saka tumigil at tumapat ang ulo ng bote kay Keith na parang walang pakialam sa mga kaganapan habang tinitipa ang gitara niya. Napatigil tuloy sya sa pagtugtog nang makita ang bote na nakaturo sa kanyang harapan.

“Woah. Sakin pala napatapat.” sambit ni Keith.

“Obvious naman di ba?” singit ni Girlie who sounded angry. Bitter nga ata ito kay Keith. Hindi rin nya alam kung bakit. Siguro trip lang nya.

Hindi pinansin ni Keith ang patutsada ni Girlie. Nasanay na sya sa “galit” nito sa kanya.”Ok. Consequence na lang.” tuluyan nang naisagot ni Keith. handa naman sya sa kung anong ipagagawa ng klase nila sa kanya. Kahit nga sumayaw nag hubad eh gagawin nya. Huwag lang hubo. Natawa naman si Keith sa pag-iisip nyang iyon.

“Hindi pa ikaw Keith. Si Natalie pa rin ang taya. Kung anu-ano kasi ang pinaggagagawa eh kaya hindi na makasabay.” Bulyaw ni Irene sa kanya.

“Ganun ba? Pasensya naman. Eh ano bang gagawin ko? He-he-he. Hindi kasi talaga ako nakikinig eh.” Sagot ni Keith habang napapakamot pa sa batok.

“Uupo ka lang naman dyan eh. Wala ka naman talag gagawin. Si Natalie ang gagawa. Bale, iki-kiss ka lang naman nya sa cheek.” Magkahalong biro at pang-aasar na nagsalita si Rhoi. Natahimik na lang si Keith. Gulat sa nagging takbo ng kanilang “Truth or Consequence”.

“Handa ka na ba, Natalie?” tanong ni Jane. Iling lang ang tanging naisagot ni Natalie kay Jane. “Okay lang yan. Wala naming malisya eh.” Ngumiti si Jane.

“Oo nga. Ha-ha. Sige. Gagawin ko na.” nabanggit ni Natalie. Lumakad na sya papalapit kay Keith. At bumalot sa pandinig nya ang mga naghalo-halong kantiyawan at sigawan sa kanila ng mga kaklase nya.

“Weh. Tumigil nga kayo. Laro lang naman to eh. Camera off ha.” Narinig nyang sinabi ni Keith. Natatawa sya ngayon. Hindi nga nya alam kung ano ang dapat irereact eh. Bahala na nga. At lumapat na nga ang labi ni Natalie sa pisngi ni Keith sa loob ng three seconds. Maikling oras lang, pero ang feeling ni Natalie eh 10 seconds. Ganun nga ba kapag humahalik? Natanong na lang nya sa kanyang sarili. At tuluyan na talagang nagkagulo sa klase. Sobrang ingay talaga. Hindi na magkarinigan. Kaya bumalik na sya sa pwesto nya para ipagpatuloy ang laro nila. Sigurado naman syang kinabukasan eh makakalimutan na rin ng mga kaklase nya ang nangyari ngayon.

“Teka. Tahimik na. Ituloy na natin to. Ako na ang mag-i-spin ng bote.” Saway nya sa classmates nya.

“Ayawan na. Ayawan na.” sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase nya.

“Waaaaaaaaah. Andaya naman eh.” Naasar syang natatawa. Hindi alam ang gagawin.

“Tara. Uwian na tayo. Next time ulet. Hehehe. Nag-enjoy ako dun ah. Lalo na sa huling entertainers natin.” Sabi ni Rhoi habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina Keith at Natalie.

“Tse.” Sabay na sagot nina Natalie at Keith, dahilan para magkatinginan silang dalawa. At sabay na tumawa.

“Uy. Uy. Uy.” Sigaw na naman ng mga kaklase nila. Nasaksihan pala ng mga ito ang huling nangyari sa pagitan nilang dalawa.

itutuloy..

———————————————————————————————-

This one is for Ms. Kay Ann Capacia

No comments:

Post a Comment