Powered By Blogger

Sunday, February 14, 2010

Overpass

Kaninang umaga, naglalakad ako sa may kahabaan ng EDSA. Ramdam na ramdam ko ang init na sanhi ng El Niño at global warming. Langhap ko rin ang amoy ng usok na nanggagaling sa mga tambutso ng bawat sasakyan. Siguro, kung may bayad man ang paglanghap sa amoy ng usok na yon, baka ako na ang pinakamayaman ngayon sa buong mundo dahil sa sobrang trapik.

Naglakad ako kasi mas maaga ako makakarating sa lugar ng pinagtatrabahuhan ko kesa kapag nagsakay ako. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang walang problema. Walang tinik sa aking lalamunan. Sarap pa rin palang mabuhay sa panahon ngayon.

Hindi ko alam kung bakit nakakahinga ako nang maluwag ngayon. Hindi naman ako na-promote sa trabaho. Hindi naman ako nanalo sa lotto at lalong hindi pa naman bababa sa pwesto si Gloria. Basta iba ang pakiramdam ko.

Tinahak ko ang overpass nang walang pag-aalinlangan. Syempre, doon naman kasi ang daan ko. Nung umaakyat na ako sa may hagdan, paglingon ko sa likod, may napansin akong pamilyar na babae. Maganda sya. Maputi at matangkad.

Pamilyar talaga sya sakin. Napamangha naman ako sa kanya. Maganda kasi talaga sya.

“Andro? Ikaw na ba yan?” sabi nung babae sakin.

Napanganga lang ako. Bakit nya ako kilala?, sa isip-isip ko. Hindiko talaga sya maalala. Ngumanga na lang ako kunwari e gulat na gulat na muli kaming nagkita. Feeling close kumbaga. Kung anuman ang nakaraan namin, wala talaga akong maalala.

“Andro!” sabay yakap sakin nung babae. Naluluha-luha pa. Ymakap na rin ako. Nagtake-advantage. Naku, patawarin sana ako ng nasa itaas.

Hindi pa rin ako umiimik.

“Totoo pa lang nakalimutan mo na ako. Nagbalik pa naman ako para sayo.” Patuloy nung babae.

Oo nga, siguro, sagot kong muli sa utak ko. Hindi nga kita kilala eh. Hehehe. Yan ang gusto ko sanang sabihin dun sa babae. Kaso, baka naman ma-offend.

Kaya ang mga salitang tanging namutawi sa bibig ko eh:

“Hindi ako nakalimot. Ikaw ang nang-iwan.” At tuluyan ko nang inwan ang babae. Nakita ko na lamang syang umiiyak. Pero, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ayokong ma-late sa trabaho ko.

Pagdating ko sa opisina, nakita ko sa drawer ko ang picture nya. At noon ko naalala ang lahat. Sya nga pala yung sinulot ko sa bestfriend ko nun.

[Kamot sa ulo]

No comments:

Post a Comment